UN QUIZ BEE : Platinum, nanatiling matibay sa pautakan

News Report by : Gabriel Angelo Mabazza of Grade 9-Gold (Legacy)

Nakamit ng 10-Platinum ang tagumpay sa Quiz Bee noong United Nations Day noong Oktubre 23, 2023 sa Computer Laboratory Room 303 bandang alas-10 ng umaga.


Tungkol sa heograpiya na nakapokus sa watawat at kabisera ng mga bansa naaayon ang mga tanong sa patimpalak at kada round ay binubuo ng sampung tanong. May katumbas na isang puntos ang elimination round, dalawang puntos sa semi-final round, tatlong puntos sa final round, at limang puntos sa tie-breaker.

Bumigay ang 9-Silver na binubuo nina Cedric Andie Llanera at Czara Miguela Andal sa elimination round matapos makakuha ng tatlong puntos, samantalang natanggal ang 8-Ruby na binubuo nina Darren Labitag at Jadem Ordonio matapos walang makuhang puntos, 10-Diamond na binubuo nina Ivan Jay Amoroto at John Gabriel Llarinas matapos makakuha ng apat na puntos, at 7-Emerald na binubuo nina Lance Railey Ling at Princess Sarah Uroloza at 8-Amethyst na binubuo nina Hannahley Gacad at Geovan Soliman matapos makakuha ng anim na puntos sa semi-final round.

Nasungkit ng 9-Gold na binubuo nina Bianca Nicole Martinez at Mark Anthony Rupisan ang ikatlong pwesto matapos makakuha ng 18 puntos sa final round. Nakakuha ng 27 puntos ang 7-Sapphire at 10-Platinum na nagresulta sa pagkakaroon ng tie-breaker.

Sa tie-breaker, may twist na idinagdag, kada watawat na lalabas, huhulaan na lamang nila ang kabisera ng bansa. Nakamit ng 7-Sapphire na binubuo nina Matthew Bradly CastaƱeda at Xaidien James Salas ang pangalawang pwesto matapos makakuha ng 15 puntos habang nakamit ng 10-Platinum na binubuo nina Ivan Gil Urolaza at Ysabelle Sabado ang kampeonato matapos makakuha ng 20 puntos.

Si Ginang Marie Christine Pajanil ang taga-hawak ng patimpalak, habang sina Ginoong Mark Presentacion ang taga-bantay at si Ginoong Antonio Quinto ang taga-bantay-oras.




Comments